GETTING RICH MINDSET - Part 3
I hope you liked the previous lessons natin. In part two, we learned that maraming tao ang unsuccessful and will never get rich, because they are scared of the idea of being rich, they resent rich and successful people, and they’re stuck of the belief that money is not important.
For today’s lesson, I will share with you the difference of thinking among Filipinos and the Chinese.
Fasten your seat belts…What you’re going to discover today is very shocking… It can CHANGE YOUR LIFE.
READY?
Let’s talk about the way of thinking of two races: The Filipinos, and the Chinese… They think very differently especially in terms of money…
Mag-umpisa tayo dito, magkaiba ang mind programming/conditioning ng mga Pinoy at mga Chinese, mula pa lang sa pagkabata… Sabi ng Pinoy sa mga anak nila, “O, anak, mag-aral kang mabuti ha, galingan mo, pilitin mong maging honor student, at pag nakatapos ka ng pag-aaral, maghanap ka ng magandang TRABAHO na may magandang benepisyo..” Pamilyar ka ba jan?
Diba yan ang sabe sayo ng nanay at tatay mo? On the other side, ito naman ang turo ng Chinese sa mga anak nila, “O, anak ikaw aral ah, para pag ikaw tapos aral, ikaw tayo iyo sariling NEGOSYO.” See the difference? Filipino kids are programmed to be Employees, while Chinese kids are being programmed to be Businessmen!
But sad to say, we simply can’t blame our parents kung bakit ganun ang turo satin, why? Simply because yon din ang turo sa kanila ng mga magulang nila!! (LOLO AT LOLA NATIN) and so on and so forth… And that conditioning is nagmula pa noong Spanish Era…
Ano ba ang mga Pinoy noong panahon ng mga Kastila? ALIPIN,UTUSAN,MUCHACHO,MUCHACHA diba? And sad to say, ganun pa rin ang mindsetting ng mga Pinoy, maging UTUSAN o ALIPIN.
Ang term EMPLEYADO ay pinagandang termino lang ng UTUSAN o ALIPIN. They mean the same kasi you are working for someone else. Sa kabilang banda, ang mga Chinese, bata pa lang naka-”mindset” na mag-build ng sariling negosyo, bata pa lang, naka-”mindset” na sila na maging BOSS.
Sa Pilipinas, did you notice, sino ang mga mayayaman, Pinoy o Chinese? Diba mga Chinese? I’ll name a few: HENRY SY, LUCIO TAN, JOHN GOKONGWEI, TONY TAN KAKTIONG, DANDING COJUANGCO, and many more! Sila ang nagmamay-ari ng mga malalaking negosyo at iba pang establishments dito sa atin.
I’ll give you an example… Nakapunta ka na ba ng Tutuban, Raon, o Greenhills? Isa sa mga napansin ko, maraming negosyanteng Chinese… now what hurts me to see is this… sinong empleyado nila? PILIPINO! Andaming Chinese gusto magpunta sa bansa natin para mag-negosyo, samantalang andami daming Pinoy na Hot na Hot mag-abroad para MAGTRABAHO! Well ako man ay OFW din but am looking forward to be a Businessman someday...
Why?
Kasi sablay ang Mindsetting natin, UTAK EMPLEYADO ang mga Pinoy. Bata pa lang, naka-program ka na… GALINGAN MAG ARAL – MAGTAPOS NG PAG-AARAL – MAGTRABAHO… That’s Hilarious.
Now, pag-usapan naman natin kung paano mag-isip ang mga UTAK EMPLEYADO sa mga UTAK NEGOSYANTE. Here are just some ways of thinking… Napakaraming indifferences kung pano sila mag-isip.. I’ll just cite below yung mga pinaka matitindi… =)
1) Sabi ng Empleyado, “Ok maging EMPLEYADO, kasi a kinse a trenta (15/30), SECURED ako. SECURED ang kita ko, SECURED ang family ko. At sa mga petsang yan, mabibili ko ang mga pangangailangan namin.. And when I grow old… My company pension will take care of me. (GSIS,SSS,PAG-IBIG,PHILHEALTH, etc.)” Pamilyar ka ba jan? Employees are motivated by what they call “SECURITY” Yung maging sakto lang, makakain ng 3 beses sa isang araw, makabayad ng tubig, kuryente, mga utang, insurance, etc. At pagtanda, aasa na lang sa maliit na tatanggapin sa pension…Ganyan sila mag-isip.
Eh, ano naman ang sabi ng Negosyante? “Talaga? Di nga? Paano mo nasabing SECURED ka? Eh ANYTIME, PWEDE KITANG SIBAKIN! Si ERAP nga na Presidente, nasibak, ikaw pa kaya? Eh EMPLEYADO lang kita!” “Paano mo nasabing SECURED ka? Diba pag nagkasakit ka ng 60 days, 30 days lang ang babayaran ko sayo?” “Paano kang naging SECURED? Diba pag nag merging ang mga companies namin, TANGGAL ka rin?” SECURED-SECURED ka jan!
Kung di mo alam ang ibig sabihin ng SECURITY, cge, idedefine ko sayo… For me, SECURITY means peace of mind/freedom, yung tipong kahit magtulog ka lang mag-hapon sa bahay mo, ok lang, panatag ang loob mo, di ka mag-aalala kung may kakainin ka ba bukas o wala, kapanatagan ng kalooban na may income ka pa rin without exerting any effort. For example, kung ikaw ay Empleyado, what if magkasakit ka? May kita o wala? Obviously wala! Kung di ka pumasok sa work mo, may kita o wala? Natural WALA! Kasi sa mundo ng employment, may batas na sinusunod, “NO WORK, NO PAY.” Yan ba ang SECURITY para sayo?
Pero tignan mo ang mga negosyante, example, Henry Sy. What if magkasakit si Henry Sy? May kita o wala? MERON PARIN! Bakit? Magkasakit man si Henry Sy, hindi magkakasakakit ang kanyang libo libong masisipag at matitiyagang mga EMPLEYADO. What if magbakasyon si Henry Sy sa States ng 1 year walang balikan, may kita o wala? MERON PARIN! Kasi hindi naman magbabakasyon ang mga libo-libong masisipag at matitiyaga niyang EMPLEYADO. Ang mga NEGOSYANTE, they are motivated not by SECURITY, they are motivated by FREEDOM.
Based sa mga nabasa mo, nasaan ang totoong SECURITY?
2) Sabi ng Empleyado, “I would still like to be an EMPLOYEE… Kasi magaling ako, maganda ang school ko, honor student ako, Cum Laude ako, and when I graduate, I will work sa isang stable at world class na company, and when I get there, I’ll do what it takes to be promoted… climb the corporate ladder, maging supervisor, manager, pagdating ng panahon magiging Vice-President ako ng company.” Sapul ka ba? Ang UTAK EMPLEYADO, ganyan mag-isip, mag-aral, magtapos with honors, find a stable job, at gawin ang lahat para ma-promote! Why? Aminin mo man o hindi, ang hinahabol ng mga EMPLEYADO, is PROMOTION! Kasi feeling mo, pag na-promote ka, lalaki ang sweldo mo, at aasenso ka. Question: Araw araw ba ang promotion? Araw araw ba tumataas ang sweldo? Alam kong ikaw mismo ang makakasagot nian…
Eh ano naman ang sabi ng NEGOSYANTE? “Hala sige, trabaho ka, sige, tutal magaling ka, masipag ka, matiyaga ka, Cum laude ka, sige lang, IKAW NA! DA BEST KA E! Pero tandaan mo, lahat ng pinag-trabahuan mo, lahat ng pinag-hirapan mo, kapag nag-retire ka, kailanman hindi mo maiuuwi, KASI AKIN ANG BUSINESS!”
Shocked ka ba sa nabasa mo? OO, TOTOO yan! Tignan mo, ang daming empleyado pumapasok mag-isa, pag umuuwi, mag-isa pa rin! Nakanino ang Business? NA KAY BOSS PA RIN, tama ba? Another thing, WHY WOULD YOU WORK FORSOMETHING NA KAHIT KAILAN HINDI KA MAGIGING SAYO? That’s insanity, my friend!
I’ll give an example… Pamilyar ka ba sa TV5? Ang may-ari ng TV5 ay si Mr. Manny V. Pangilinan. Dahil siya ang may-ari, siya rin ang President nito. Kung may President, syempre merong Vice President, tama? QUESTION: Sa tingin mo, magaling, skillful, talented, masipag, matiyaga, at masunurin kaya itong VP na ito? Yes of course! Pero kapag ba nag-retire si VP, yung TV5 ba ay magiging kanya? Definitely hindi! KASI KAY MANNY V. PANGILINAN yon.
3) Now, lets talk about RETIREMENT. After your retirement, anong hahabulin mo? Edi yung RETIREMENT FEES (SSS,GSIS,PAG-IBIG,PHILHEALTH,etc.), alam mo ba kung anong ginagawa sa mga yan? PAMBAYAD SA OSPITAL AT PAMBILI NG MGA GAMOT!
Why?
Kasi sisiguraduhin ko sau, that when you reach the age of 65, diyan maglalabasan ang mga sakit mo (High Blood, Diabetes, Arthritis, Rayuma, etc.)
Bakit ka nagkasakit? Look, 30-40 years kang nagwork diba? STRESS ba yan o ENJOY, syempre STRESS yan! NAPUYAT KA, NAGUTOM KA, NAPAGALITAN KA NG BOSS MO, TAMBAK ANG TRABAHO, etc. Diba STRESS yan? For information, the No.1 Killer of today is STRESS! So, sino ang makikinabang ng retirement fees mo na matagal mong pinagtrabahuan?
Edi ung mga OSPITAL, AT MGA DRUGSTORE! Nangyayari o hindi? Look, may kilala ka bang pensioners/retirees? Diba ang tiyaga nilang pumila sa mga insurance agencies na yan? And when they get their money, anong ginagawa sa pera? Pinang-gigimik ba? Hindi diba? PINANGBABAYAD SA OSPITAL, at PINAGBIBILI NG MGA GAMOT! Is that what you want to be?
Another thing, when you reach 65 years old, you have to retire, and when you retire, diba tuloy parin ang buhay? Mamamalengke ka pa rin, andyan pa rin ang mga bills, at iba pang mga gastusin. Di ka na nagwwork diba? now, in order to sustain these expenses, alam mo kung anong iisipin mo, “ANO KAYANG MAGANDANG BUSINESS?”
What’s my point there? BAKIT MO PA AANTAYIN NA MAG-65 YEARS OLD KA, MAGBI-BUSINESS KA RIN PALA?!
Kapatid, anuman ang kalagayan mo ngaun, whether your an employee, student, tambay, etc., sa dulo ng mga buhay natin, dahil hindi forever ang EMPLOYMENT, magbi-business ka pa rin, kaya lang, again, bakit mo pa aantayin na mag-65 years old ka, samantalang pwede naman ngayon ka na mag-business?
Eto malupet, naalala mo yung RETIREMENT FEE ABOVE? Actually, MILYON YAN, pag nakuha mo ng buo, and kung may matira man sa RETIREMENT FEE mo, alam mo kung anong iisipin mo? “WOW! MAY PERA NA AKO! MAY PANG PUHUNAN NA AKO! ANO KAYANG MAGANDANG BUSINESS?”
See? Magbi-business ka pa rin. Why wait to become 65 years old? Kung pwede naman ngayon na?
4) Maraming empleyado na ang sumubok pasukin ang mundo ng Business, and here’s a TRUTH that I want you to know,BUILDING A BUSINESS IS NOT A WALK IN THE PARK! Hindi madali ang mag-build ng isang stable na business.
Here’s what SEC (Securities and Exchange Commision) said: 98% ng Empleyado after retirement, who had their retirement fees and went on to business… FAIL! Only 2% lang ang naging successful! I’ve known a lot of people who came from employment at nag-try magnegosyo, but unfortunately, they failed… WHY? 30-40 years kang EMPLEYADO, and after you retire, you shift into another career which is BUSINESS.
Tell me, what are your chances of being SUCESSFUL? Very SLIM and VERY NONE! Why? You don’t know how to do business, you don’t know the principles of business, what you ONLY know are PRINCIPLES OF EMPLOYMENT!
Lets continue, again maraming empleyado ang sumubok sa mundo ng pagnenegosyo, the sad part is, nung nahirapan/nag fail sa negosyo, guess what, bumabalik pa sila sa EMPLOYMENT!
Here’s a proof, may kilala kang OFW? Here’s their idea: GO ABROAD AND WORK, MAG-IPON, GO BACK TO PHILIPPINES AND DO BUSINESS… and so be it… Kaya lang hindi nga marunong mag-business eh, so what will happen sa business? Failure/Lugi! At kapag nalugi ang negosyo, what do you think ang gagawin ng OFW? Correct! Mag-aabroad na naman!
For me, tama na ang ginagawa mo, nagnenegosyo kana, FAILURES ARE NORMAL dahil nag-uumpisa ka palang, pero bakit ka pa babalik sa EMPLOYMENT? Eh WALA NGANG NANGYAYARI JAN?! Tama na ang ginagawa mo. Wag mo ng balikan ang isang bagay na wala kang nakikitang magandang FUTURE!
Ok, till here na lang muna, alam kong mejo mahaba ang lesson natin for today, pero I strongly believe na marami kang natutunan sa mga inexpose ko ngayon… Lahat ng mga sinabi ko ay mga PAWANG KATOTOHANAN… REALITY… Kung habang sa pagbabasa mo ay tinamaan ka, I dont intend to offend you or whatsoever , pero kung tinamaan ka at nasaktan, it only means na TOTOO ang mga sinabi ko… EYE-OPENER ito kapatid… MAGISING KANA sa KATOTOHANAN! Nasa NEGOSYO ang totoong SECURITY at FREEDOM!
I hope you learned kahit kaunti sa lesson natin for today. Mas matindi pa dito ang Part 4 at ito iyon — Click Here